Inihahanda ng Good Soil Evangelism & Discipleship (Good Soil E&D) ang mga tagasunod ni Cristo sa pagbabahagi ng kuwentong pag-asa ng Dios sa isang mundong nagtatalo ang mga paniniwala at kultura. Gumagawa kami ng mga materyales na magagamit sa pagmiministeryong nakasalig sa biblikal na teolohiya ng ebanghelismo at pagiging alagad ni Cristo, at ibinabahagi namin ang mga ito sa iba.
Hinango ang pangalang Good Soil E&D sa parabula ng binhi at mga uri ng lupa. Ang binhi ay ang mensahe ng ebanghelyo. Ngunit paano ba tinukoy ni Jesus ang "mabuting lupa"? Isinulat nina Mateo, Marcos, at Lucas ang tatlong magkakaibang salitang ginamit ni Jesus sa mga okasyong ito upang tukuyin ang “mabuting lupa.”
Mateo 13:23
"Ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa* ng salita...”
*Unawa [Greek: suniemi] ay nangangahulugang “naaabot ng isip," "ganap na naiintindihan," o "napagsasama-sama ang lahat ng mga indibidwal na katotohanan sa isang makabuluhang kabuuan."
Marcos 4:20
“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap* ito...”
*Tanggap [Griyego: paradechomai] ay nangangahulugang "tinanggap nang may bukas na mga bisig,” “masayang pagsalubong sa pagdating," o "pagyakap."
Lucas 8:15
“At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan* ang salita pagkarinig...”
*Ingat [Greek: katecho] ay nangangahulugang "hawakan nang mahigpit upang ang isang bagay ay hindi maagaw."
Ang Good Soil E&D ay isang maingat na pagtatangkang matiyak na ang mga taong ating pinaglilingkuran o tinutulungan ay malinaw na nauunawaan, tunay na niyayakap, at mahigpit na pinanghahawakan ang Ebanghelyo.
Paano ko matutulungan ang isang di-mananampalataya na malinaw na maunawaan ang ebanghelyo?
Kapag ibinabahagi natin ang ebanghelyo sa isang di-mananampalataya na kakaunti o walang alam tungkol sa Biblia at sa pananampalatayang Kristiyano, malamang na ang kanyang pananaw sa ngayon ay maaaring maghatid sa kanya sa hindi pagkaunawa sa mga termino o konseptong ginagamit. Para maiwasan ang kargang punto de vistang humahalo sa pagbabahagi ng Magandang Balita, importanteng ipaliwanag ang mga pundasyong datos mula sa Biblia na kailangan sa malalim na kaunawaan sa ebanghelyo. Ngunit para maging maliwanag ang mga katotohanang iyon, kailangan din nating ilagay ito sa konteksto ng kasaysayan ng kabuuang kuwento ng pagtubos na inihahayag sa Biblia.
Ang Kwento tungkol sa Pag-asa ay angkop sa panahong magagamit (napapaikli at napapahaba) para sa paglalahad ng napakahalagang kuwentong pagtubos o pagliligtas na mababasa sa Biblia. Maaari itong ibahagi sa loob ng 15 minuto o hanggang 20 o higit pang oras. Dinisenyo ito para sa pang-ebanghelyong pag-aaral ng Biblia, isahan o pangmaliit na grupo, na makakatulong sa pagtuturo ng planong pagtubos ng Diyos. Ito ay naglalaman ng 40 pangyayari sa Biblia (20 sa Lumang Tipan at 20 sa Bagong Tipan) at mga mapa sa Biblia.
Gaya ng ebanghelismo na isang prosesong pinagsama ang mula sa Dios at mula sa tao, gayon din sa pagiging tagasunod ni Cristo. Ang mga tunay na mananampalataya ay magiging masigasig sa pananampalataya bilang mga tagasunod ni Jesu-Cristo sapagkat ang Dios ang nagbibigay ng katiyakan sa kanila. At totoo rin na pinili ng Dios na gamitin tayo upang “gumawa ng disipulo [Niya].”
Ang Way to Joy ay isang pangunahing pang-follow-up na pag-aaral na dinisenyo para gabayan ang isang bagong mananampalataya sa sampung mahahalagang aralin na sumasaklaw sa isang pangkalahatang ideya ng planong pagtubos ng Dios (sa kasalanan), ChronoBridge to Life, katiwasayan at katiyakan, Biblia, panalangin, Banal na Espiritu, personal na kabanalan, pagpapatotoo, lokal na simbahan, at plano ng Diyos para sa buhay ng isang mananampalataya. Ang bawat maliit na libro ay may kasamang hanay ng mga kard ng mga talatang sasauluhin at isang gabay para sa pagbabasa ng Biblia, isang kabanata bawat araw.
Ito’y isang aralin gamit ang maliit na librong ang Biblia ang pundasyon na ginagabayan ng isang lider, inilaan lalo’t higit para magamit bilang follow-up sa pag-aaral ng tungkol sa pagiging tagasunod ni Cristo. Ang pangunahing layon ng Way to Joy ay ang gamitin ito ng isang lider sa isang klase tungkol sa panghihikayat ng mga tagasunod ni Cristo na may isang mag-aaral (one-to-one session). Gayunpaman, maaari rin itong gamitin sa konteksto ng mga maliliit na grupo o bilang pag-aaral gamit ang maliit na libro para sa klase ng mga bagong mananampalataya. Kalakip nito ang sampung mga aralin at isang hanay ng mga kard ng mga talatang sasauluhin na hango sa Biblia na ugnay sa mga aralin.
Join Our Mailing List
Get notices for new products, resources, and training events.
Set your country and language
We will add support for new countries and languages in the future.